From one who lost herself to a product manager

Written by Melvin Nunez
Category:

 

Nasira man ng maling hustisya, hindi nawala ang paniniwala at tiwala ni Ate Maria, hindi nya tunay na pangalan.

Si Ate Maria, 35 may tatlong anak, naging PDL sa Manila City Jail ng apat na taon. Mula 2013-2017 siya nagtiis ng masalimuot na karanasan sa pisikal, emosyonal, at ispiritwal na pagkatao.

Ayon sa research na Conditions for Women in Detention in the Philippines, 2015: The management of women in the Philippines’ vast and fragmented penal system demonstrates a broad spectrum of approaches. In some smaller, provincial facilities women are reportedly detained with minimal or no attention to their human rights or particular needs, including the right to be held separately from male inmates, causing strong concern for their safety and wellbeing.

Dahil sa naging karanasan nya, muntik na s’yang masiraan ng bait “nakakabaliw sa kulungan, nabura ang aking pagiisip noong ako ay nasa loob”. “Dalawa lang ang pagpipilian mo sa kulungan e, ang Mabaliw o ang Mamatay”, dagdag nya. Napakaraming naging hirap ni Ate Maria, sa mga pagkakataong ito nasubok ang kanyang lakas at tibay ng loob na humarap sa mga hamon sa loob. Pati rin ang mister nya, nabaliw sa pangyayari.

Sumali s’ya sa mga activities habang nasa loob tulad ng Alternative Learning System ng BJMP. Nagbigay ng bagong pag-asa ang HLAF, sabi nya. Dito niya nalaman ang programang FRED o Focused Reintegration of Ex-Detainees. Natuto din siyang maging isang paralegal para sa mga katulad nyang PDL o person/s deprived of liberty, dahil nagbigay daan ang organisasyon na turuan ang mga nais maging paralegal coordinator. Ginabayan kami ni Uncle Freddy habang nasa loob. Pinatibay ang aming spiritwal na pananampalataya noong nagdilim ang lahat, natuto kaming mag-sharing, bible study, at binigyan kami ng counselling, sabi nya.

Naging motibasyon nya ang kanyang pamilya sa pagharap sa pangaraw-araw na hamon.

“Tinulungan rin nila ako na mapabilis ang proseso ng aking kaso”. Nakalaya sya noong December 2017 sa tulong ng PAO, HLAF, at ilang pribadong sector.

Dahil bagong laya, naranasan nyang siraan at bigyan ng diskriminasyon mula sa kanyang mga kabarangay. Kung s’ya ang papipiliin, mas pipiliin n’yang sa bahay na lang s’ya. Dahil sa patuloy na pag-attend sa mga sessions ng FRED, naging motibado s’ya na harapin ang mga hamon sa buhay sa pamamagitan ng naituro ng programa. “Siguro kung wala ang FRED at mga tao na gumabay muli sa akin, wala ako sa kung nasaan man ako ngayon”.

Laking pasasalamat rin nya, na mayroon kaagad sumalo sa kanya paglabas sa Manila City jail. Tuloy tuloy ang pagbibigay sa akin ng psychological training upang gumaan ang aking kalooban.

Napaka-gandang programa ng FRED, bukod sa pagbibigay sa amin ng allowance, inalalayan kami ng programang ito sa loob at sa labas ng kulungan, giit nya. “Ang dapat lang gawin ng mga kagaya ko, habang nasa loob ay ang magtiwala dahil lahat ng ito ay may magandang patutunguhan”, sabi nya. Lahat ng itinuro sa akin ay ina-apply ko sa labas, lalong lalo na ang pagshe-share ng ispiritwal na aspeto.

Maikukumpara si Ate Maria bilang isang hagdanan. Walang mataas na hagdanan kung ilalagay ang layunin natin sa buhay. “Magtiwala, magpursigi at maging malakas dahil lahat ay pagsubok lamang”.

###