“BCPC develops life”

Written by Melvin
Category:

“BCPC develops life”

An interview with Senior Pastor Domingo Plomantes Sr. on how HLAF guided them in a functioning BCPC.

 

Nagkaroon ako ng tyansa na makausap si Senior Pastor Domingo Plomantes Sr., ang secretary ng Barangay Talon Uno upang kamustahin ang kanilang BCPC (Barangay Council for the Protection of Children).

 

Tinanong ko sya kung paano nakatulong ang HLAF sa kanilang BCPC at ano ang naging kahalagahan nito sa kanilang barangay. Sinabi nya na noong wala pang BCPC, hindi nila alam ang gagawin nila sa mga batang CAR (Child at Risk) at CICL (Children in Conflict with the Law) dahil walang proseso ang kanilang barangay para dito. Nakita n’ya ang mga problema ng mga bata sa kanilang barangay noong hindi maayos ang konseho nila dito. “Palibhasa, wala pa ngang batas noon, hindi konkreto ang management sa mga bata, walang BCPC, walang tumutulong”.

 

“Malaking tulong ang HLAF sa paggabay sa aming mga nanunungkulan sa barangay upang ma-fully implement namin ang JJWA (Juvenile Justice and Welfare Act)”.

 

Sinabi rin nya na napababa na ng kanilang barangay ang level of criminal acts ng mga bata. “Simula noong magkaroon kami ng BCPC sa barangay, at maayos na ipinapatupad ito, kasama ng mga organisasyon at local na pamahalaan na ang layunin ay tulungan ang mga bata; ay nabibigyan na namin ng intervention programs ang mga CAR, habang diversion programs naman para sa mga CICL”.

 

“Natuto kami ng tamang kalakaran sa HLAF BCPC Congress kasama ng ibang barangay.”

 

Nagkakaroon rin sila ng monthly meetings with children and parents, “nagkakaroon lamang ng challenges sa coordination with the parents, kasama ng homeowner’s association, kasi alam naman natin na mayroon din silang ibang schedules”.

 

We also monitor schools. “Hindi biro ang manungkulan sa BCPC, you develop life”.

Sana maunawaan ng mga kapitan at ng mga sangguniang council natin na we are developing, building, a certain life”.

 

Nagkaroon na rin ang kanilang mga eskwelahan ng SBCPC (School-Based Committee for the Protection of Children) na nagsasagawa ng guidance counselling, monitoring of grades, at ibang programa para sa mga estudyanteng daycare, grade school, at high school. Pinapanatili naming maayos ang monitoring system sa mga eskwelahan at isinasaayos ang coordination ng mga magulang.

 

“Para sa akin, napakagandang programa ng BCPC Talon Uno ang Sunday formation with the Church kasama ng mga magulang dahil nagbi-build ng effective communication ang magandang pagsasama ng pamilya”.  Nagkakaroon rin sila ng Home Visitations sa kanilang barangay upang kamustahin ang lagay ng mga bata sa kanilang barangay, una nilang tinitingnan ang kalusugan at kung pumapasok ang mga bata.

 

Failure of Parenting is seen to be the most dominant problem why children commit wrongdoings. “Bini-build up namin sila (pamilya), we destroy barricades that hinder them from communication and openness to create family development”.

 

Noong tinanong ko s’ya kung sino ang dapat na mga katulong sa BCPC, sinabi nya na “Kailangan maging very cooperative and understanding ang mga kapitan with the chairman of the BCPC. Kailangan ng great teamwork ng lahat ng kasapi upang mapaganda ang buhay ng mga bata.”

 

Isa pa, Kailangan concrete ang BCPC sa buong Pilipinas para mas mapababa pa lalo ang mga kaso ng mga bata. Malaking tulong ang ginagawa ng HLAF sa nasabing BCPC, sa pagtulong nila upang fully-mai-implement ang batas para sa mga bata.

 

Isa pa, malaking tulong ang partnership with organizations, faith-based organizations and volunteers sapagkat nabibigyan ng tamang gabay, tamang programa (maaaring ayon sa kanilang gusto ngunit tinitingnan rin kung paano mabibigyan ng importansya ang gusto ng bata).

 

“Ang BCPC ay one of the most important councils in the barangay, naaalala ko nung Kabataan ko ang kanilang mga sitwasyon, kung tutuusin napakaswerte ko na kahit ganito ang nangyari sa akin, may pamilya akong nakakasama. Yun din sana ang gusto kong mangyari sa kanila, plano ng Diyos ito para sa akin, na baguhin at ayusin ang buhay ng mga batang ito”.

 

“Kaya’t laking pasasalamat na rin namin sa HLAF na natulungan at nagabayan ang aming barangay”.

 

He happily shared that Brgy. Talon Uno has been twice awarded as the “Most Outstanding Child-Friendly Barangay” in two consecutive years because of the programs in their BCPC and how they handle the children, and the families involved.

 

 

End.